Alinsunod sa BSP Circular No. 1160, na nag-aatas sa mga bangko na ipaalam sa mga kliyente ang mga pagbabago sa Terms and Conditions, ipinababatid ng OFBank na simula sa ika-23 ng Abril 2025 ay maaari ng pahintulutan ang pagbabahagi ng InstaPay transaction data sa BancNet at iba pang awtorisadong grupo.
Ang pagbabagong ito ay bahagi ng pakikilahok ng OFBank, kasama ang iba pang BancNet-member banks, sa BancNet Trace and Alert Service.
Ang BancNet Trace and Alert Service ay isang fraud detection tool na tumutulong sa pagtukoy ng kahina-hinalang aktibidad upang maprotektahan ang inyong account laban sa unauthorized transactions.