Nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa pagdiriwang ng ika-24 na Depositor Protection and Awareness Week (DPAW) mula ika-16 hanggang ika-22 ng Hunyo 2026. Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-iimpok sa mga bangko at ang proteksyong ibinibigay ng PDIC na hanggang ₱1 milyon bawat depositor, bawat bangko. Nawa’y magsilbing paalala ang temang “Kapag sa bangko may ipon, handa anumang panahon,” na ang pag-iimpok ngayon ay paghahanda para sa mas ligtas at mas matatag na kinabukasan.