PRODUCTS & SERVICES

OFBank, nasa eGov PH Super App na!


Bilang suporta sa layunin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing mas accessible ang government services sa publiko, ipinababatid ng OFBank na simula sa ika-26 ng Pebrero 2025, available na ang official website link at Account Opening option ng OFBank sa eGov PH Super App.

Ang eGov PH Super App ay ang kauna-unahang mobile application sa Pilipinas kung saan maaaring ma-access ang national at local services ng gobyerno, tulad ng pagbabayad ng fees, pagkuha ng ID, at marami pang iba. 

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pakikiisa ng OFBank sa mas malawak na layunin ng pamahalaan na itaguyod ang digitalization para sa mas mabilis at citizen-friendly na serbisyong publiko.