PRODUCTS & SERVICES

Credit Consciousness Week (CCW) 2026


Nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa pagdiriwang ng Credit Consciousness Week (CCW) 2026 mula Abril 24 hanggang 30, sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na may temang “Sa pag-utang ng wasto, bukas ay planado.” Sa panahong ito, hinihikayat ang bawat Pilipino na maging maingat at responsable sa pag-utang, palawakin ang kaalaman sa wastong paggamit ng credit, at gamitin ito bilang katuwang sa pagbuo ng mas matatag at maayos na kinabukasan.