Nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa pagdiriwang ng 2026 National Innovation Day (NID) ngayong April 28-29, 2026 sa temang, “AGOS ASEAN: Artificial Intelligence (AI) for Growth, Opportunity, and Sustainability in ASEAN.” Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng inobasyon at artificial intelligence sa pagsusulong ng mas inklusibo, at mas progresibong kinabukasan para sa mga Pilipino at sa buong ASEAN region. Bilang digital-only subsidiary ng LANDBANK, patuloy na sinusuportahan ng OFBank ang mga makabagong solusyon at serbisyong pinansyal para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya, saan mang panig ng mundo.