Nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo 2026. Sa temang “Achieving Results through Transparency and Accountability: Towards a More Productive Bagong Pilipinas,” muling pinagtitibay ng OFBank ang aming pangakong maghatid ng mas mabilis, ligtas, at mas madaling serbisyong pinansyal para sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya, saan mang panig ng mundo. Patuloy tayong magsulong ng mas episyente, transparent, at makabagong serbisyo para sa bawat Pilipino.